Mensahe mula kay Mayor Rex Gatchalian

Valenzuela Trabaho.gov.ph



Sa mga minamahal kong Valenzuelano,

Sa pagsisimula ng aking termino bilang punong lungsod, ikinagagalak kong ipaabot sa inyo ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela bilang pagtugon sa lumolobong suliranin ng kawalang trabaho hindi lamang sa ating lungsod kundi pati na rin sa buong bansa.


Ang Valenzuela Trabaho o www.valenzuelatrabaho.gov.ph ay eksklusibong programa para lamang sa mga taga-Valenzuela. Hangad nito ang makapagbigay tulong sa paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa, mga seminar na nagbibigay-gabay sa mga job-seeker sa proseso ng paghahanap at maging sa mga job provider o mga employer na mailathala ang kanilang mga pangangailangan.


Sa mga karagdagang impormasyon o katanungan, maaari po kayong tumawag sa tanggapan ng Job Generation Office sa numerong (02)352-1000 lokal 1215.

Umaasa po ako na sa pamamagitan ng programang ito, sama-sama nating mapagtatagumpayan ang paglutas sa suliraning ito at patuloy pa na makapaglingkod sa mamamayan ng Lungsod ng Valenzuela.


Mabuhay tayong lahat!

Mayor REX Gatchalian

Punong Lungsod

REX Gatchalian